Sa isang pahayag nitong Lunes, Nob. 7, nabatid na tuluyan na ngang kumalas ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa Miss Grand International pageant brand.
Pinasalamatan naman ng organisasyon ang naging partnership nito sa Thai-owned beauty pageant.
“With that said, we remain committed to delighting our followers and sponsors through the productions of world-class pageants that help propel Filipinas to reach their fullest potential and achieve greatness in an international stage,” dagdag na pagtitiyak ng BPCI.
Pinasalamatan din ng national organization ang fans sa patuloy nitong pagsuporta sa loob ng halos 60 taon.
Ang anunsyo ay kasunod din ng kontrobersyal na pagbalik sa Thailand ni Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Tamondong matapos itong ma-appoint bilang fifth runner-up.
Kamakailan, naging usap-usapan din ang pahayag ng MGI owner na si Nawat Itsaragrisil kaugnay ng sarili at hiwalay na national competition para sa kaniyang brand.
Sa pagkalas ng Miss Universe, at Miss Grand International, tatlong national crown na lang ang nasa pangangalaga ng BPCI simula 2023. Ito ay ang Miss International, Miss Globe, at Miss Intercontinental.