Inaasahang aabot na mahigit₱184 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nakatakdang bolahin ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 4.

Ayon sa PCSO, walang nakapag-uwi sa₱177,575,689.60 jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Nobyembre 1 ng gabi dahil walang nakahula sa six-digit winning combination nito na 34-17-26-20-05-29.

Mayroon namang 15 mananaya ang muntik nang maging instant multi-milyonaryo matapos na makahula ng tig-limang tamang numero. Sila ay nakapag-uwi naman ng tig-₱120,000 na second prize.

Samantala, batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO nitong Huwebes, nabatid na ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na bobolahin rin sa Biyernes ng gabi ay aabot na sa P21 milyon, habang ang jackpot prize naman ng GrandLotto 6/55 na bobolahin sa Sabado, Nobyembre 5, ay papalo na sa₱29.7 milyon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng pamunuan ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang lotto games.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto dahil sa halagang₱20 lamang ay magkakaroon ka na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at tiyak na makakatulong pa sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.