Tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang forfeiture case na isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa namayapang dating Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona, at sa asawa nito.
Sa desisyon ng 2nd Division ng anti-graft court, napatunayang bukod sa kanilang suweldo bilang mga opisyal ng gobyerno, may ibang pinagkakakitaan ang mag-asawa.
Ang asawa ni Corona na si Cristina ay dating nagsilbing miyembro ng Board of Directors at naging chairperson ng John Hay Development Corporation sa panahon ni Pangulong Gloria Arroyo.
“Since respondents were able to sufficiently explain the legality of their undisclosed cash assets, they cannot be held liable for forfeiture of their properties,” ayon sa desisyon ng Sandiganbayan na pirmado nina Associate Justice Arthur Malabaguio, Associate Justices Michael Frederick Musngi at Oscar Herrera, Jr.
Sa petisyon ng Ombudsman para ma-forfeit ang kabuuang assets ng mag-asawang Corona na aabot sa ₱137.937 milyon, binanggit na batay sa kanilang imbestigasyon, nasa ₱3.5 milyon ang idineklara ni Corona sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong 2010.
Hindi nito idineklara ang ₱134.437 milyong cash assets ng mga ito.
Binanggit din sa reklamo ng Ombudsman ang undervalued properties ng mag-asawa, katulad ng mga unit sa One Burgundy Place sa Quezon City at sa The Bellagio sa Taguig City, gayundin sa lupain nito sa La Vista, Quezon City.
Sa resolusyon noong 2014, naniniwala ang Ombudsman na may rason upang isailalim sa forfeiture proceedings ang ari-arian ng mag-asawa dahil hindi umano ito akma sa kanilang sinusuweldo.
Gayunman, ipinaliwanag ng hukuman na nagtatrabaho na ang mag-asawa at may impok na simula pa noong 1960s at naipaliwanag din nila ang legalidad ng hindi nila isinapublikong cash assests sa tulong ng mga testigo.
“At most, respondent CJ Corona may be held guilty of simple negligence for having failed to ascertain that his SALNs were accomplished properly, accurately, and in more detail. Such administrative could have been imposed upon him, however, it was pre-empted by his death,” pagbibigay-diin ng korte.
Dahil dito, iniutos na ng Sandiganbayan na alisin na angwrit of preliminary attachment na inilabas noong 2015 laban sa ari-arian ng mag-asawa.
Matatandaangnamatay si Corona noong 2016 matapos mapatalsik sa puwesto noong 2012 makaraang gmabigongmaipaliwanag sa kanyang SALN ang kanilang kayamanan.