Sarado muna sa publiko ang Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC) nitong Sabado, Oktubre 29, habang kanselado na rin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Maynila, bunsod nang pananalasa ng Severe Tropical Storm “Paeng.”

Batay sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang naglabas ng naturang kautusan matapos na isailalim ng PAGASA ang Metro Manila sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.

Nabatid na ipinag-utos ng alkalde na isarado na muna ang mga naturang pampublikong sementeryo sa lungsod dahil sa pananalasa ng bagyo.

Nagpalabas na rin si Lacuna ng kautusan na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod ngayong Sabado dahil sa bagyo.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Sakop ng suspensiyon ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang face-to-face at online classes.

“BREAKING: As PAG-ASA raised the tropical cyclone in Metro Manila to Signal #2 caused by Tropical Storm #PaengPH, Mayor Honey Lacuna-Pangan suspends classes in all levels until evening, both in public and private schools, and both face-to-face and online classes,” advisory ng Manila PIO.

“Further, with the Tropical Cycle Wind Signal Warning continues to be at Signal No. 2, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan orders all public cemeteries in the City of Manila - Manila North and Manila South Cemeteries - shall remain CLOSED today, Saturday, October 29, 2022,” anito pa.

Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 2 ay maaaring makaranas ng gale-force winds sa loob ng 24-ras, at posibleng magkaroon ng minor to moderate na banta sa buhay at ari-arian.

Base sa 5AM bulletin ng PAGASA, kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 2 nitong Sabado.