Plano na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng maglagay ng hintuan ng mga pampublikong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City upang hindi na magkabuhul-buhol ang trapiko.

Layunin din ng nasabing hakbang na mailayo sa panganib ang mga motorista at iba pang gumagamit ng lansangan.

Sinabi naman ni MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III, kasunod na rin ito ng paglalaagay nila ng exclusive motorcycle lanes sa nasabing kalsada.

“There should be designated bus and jeepney stops for passengers as part of road safety. It’s about time to instill road discipline among all passenger vehicles," banggit ni Dimayuga sa pakikipagpulong nito sa mga kinatawan ng Quezon City government, transport groups at iba't ibang operator ng jeepney.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ipatutukoy aniya nito sa QC local government unit at sa mga jeepneyoperator ang loading at unloading areas sa 12.4 kilometrong Commonwealth Avenue.

“Through this, we could strategize on how the PUVs could maneuver to their designated stops. We would like to confine pedestrians to designated loading and unloading areas,” sabi pa ng opisyal.