Isa sa mga pinag-uusapang serye ngayon ay ang "Mars Ravelo's Darna The TV Series tampok sina Jane De Leon, Janella Salvador, at Joshua Garcia na pambato ng ABS-CBN sa Primetime, katapat ng patok at pinag-uusapan ding "Maria Clara at Ibarra" nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose.

In fairness ay nalagpasan na ni Jane ang mga naunang impresyon sa kaniya ng mga netizen, na parang hindi bagay sa kaniya ang role. Pero sa ikalawang linggo ng serye kung saan mapapanood ang episode ng kaniyang Darna transformation, talagang napa-wow ang lahat nang masilayan na siyang nakasuot ng Darna costume; sabi nga ng mga utaw, nakita na nila ang nakita ng ABS-CBN sa kaniya, kung bakit sa "baguhang" kagaya ni Jane ibinigay ang pagbida sa isang malaking proyekto.

Ngunit habang tumatagal ay may ilang mga netizen ang pumupuna sa ilang mga eksena rito, gaya na lang ng pagtatangkang pagpatay ng isa sa mga super villain na si "Heneral Borgo" sa isang eksena gamit ang ulan.

Sey ng mga netizen, bakit daw unan ang gagamitin sa pagpaslang ng isang super villain na may kapangyarihan?

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"I wonder if there are comicbook fans among the Darna writers because seriously, a supervillain killing someone with a pillow is a telenovela/teleserye trope. Darna is supposed to be a sci-fi superhero series," saad sa caption ng isa sa mga nagbahaging netizen/blogger na si "Jerald's Secret HQ".

Screengrab mula sa FB page ng blogger na si Jerald's Secret HQ

Pagtatanggol naman ng mga tagasubaybay ng serye, kung gagamitin daw ni Heneral Borgo ang kaniyang super powers ay mabubuko na isang extra ang may pakana ng pagpatay sa eksena.

Samantala, sa kaniyang Facebook post naman ay napansin ng vlogger-komedyante na si Beki Mon ang isang gaming chair sa loob ng spaceship ni Heneral Borgo.

"Ambongga ng spaceship ni Heneral Borgo, may gaming chair na made in China hahahhahahahahahaha," saad sa caption.

Screengrab mula sa FB ni Beki Mon

Samantala, trending naman ang kissing scene nina Joshua at Janella sa October 24 episode ng serye.

Binansagan pa tuloy ang Kapamilya heartthrob na "Higop King".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/">https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/

Sa eksena, makikitang biglang hinalikan ng karakter ni Joshua na si "Bryan" na isang pulis ang karakter na si "Regina Vanguardia/Valentina" na ginagampanan ni Janella Salvador. Wala nang nagawa si Regina kundi ang magpaubaya dahil may gusto siya sa binata.

Ngunit siya rin ay tila napapansin at nagtataka sa mga kakaibang ikinikilos nito. Hindi niya alam, ang naturang karakter ay isa lamang "ekstra" na nagpapanggap lamang.

Nawindang naman ang mga netizen sa naturang eksena at binansagan naman si Janella bilang "Janella 'Pinagpala' Salvador" lalo na ang mga "nakapila" sa Kapamilya actor, o ang kaniyang mga masugid na tagahanga. Kaya naman, nilayag nila ang tandem na "JoshNella" na unang nabuo sa seryeng "The Killer Bride".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/26/eksena-sa-paghigop-ni-joshua-kay-janella-sa-darna-nasa-trending-list-sa-yt/">https://balita.net.ph/2022/10/26/eksena-sa-paghigop-ni-joshua-kay-janella-sa-darna-nasa-trending-list-sa-yt/

Samantala, hinangaan din ng mga netizen ang fighting scenes ni Jane De Leon bilang Darna sa episode na ito.

Tanong ng marami, paano naman kaya ang kissing scene nila ni Darna na ginagampanan ni Jane De Leon?