Inaasahang tataas pa at aabot na sa mahigit P165 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa susunod na bola nito sa Biyernes.

Batay sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination ng UltraLotto 6/58 na 17-42-28-44-25-58 na binola nitong Martes ng gabi.

Dahil dito, hindi naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na P158,067,330.40.

Mayroon namang isang mananaya ang muntik nang maging milyonaryo matapos na makahula ng limang tamang numero.Siya ay nakapag-uwi ng P120,000 na second prize.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, batay naman sa jackpot estimates ng PCSO, ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na bobolahin ngayong Huwebes ng gabi ay aabot na sa P15.8 milyon.

Ang jackpot prize naman ng Lotto 6/42 na bobolahing muli sa Huwebes ng gabi ay nasa P5.9 milyon lamang matapos na matamaan ang jackpot prize nitong P24.6 milyon sa lotto draw nitong Martes ng gabi, na may six-digit winning combination na 28-10-30-08-01-16.

Kaugnay nito, muli rin namang hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya ng lotto.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto dahil sa halagang P20 lang ay maaari ka nang maging instant milyonaryo, at makakatulong pa sa kawanggawa.