Tampok sa "Flex" magazine ang dalawang co-stars ng "A Family Affair" na sina Gerald Anderson at Sam Milby na malapit na ring magtapos sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Ang Flex ay online magazine ng "Star Magic", talent-management arm ng Kapamilya Network. Itong Flex ay tila nagtatampok sa male celebrities upang i-promote ang "modern masculinity".

Kaya naman, nausisa ang dalawa kung ano ba ang pagpapakahulugan nila sa pagiging masculine sa modernong panahon ngayon, sa ginanap umanong virtual press conference para dito.

Pak na pak ang sagot ni Sam dahil para sa kaniya, ang isang modern masculine ay marunong makuntento sa kung ano bang mga nangyayari at natatanggap sa kaniyang buhay; pero at the same time, huwag mangambang madagdagan pa ang mga pagkatuto o mga bagong kaalaman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Halimbaw sa estado ng kaniyang buhay at karera ngayon, sa edad na 38 ay masaya naman daw siya sa itinakbo ng kaniyang showbiz career; at isa pa, siya ang "Pinagpala" sa lahat dahil siya lang naman ang "Hari" ni Miss Universe 2018 Catriona Gray o Queen Cat.

Aminado naman si Gerald na isa siyang "old school" o makaluma. Para sa kaniya, ang masculinity ng isang lalaki ay kung paano ito tumanggap, umako, at tumayo sa mga responsibilidad niya sa buhay: sa partner, sa pamilya, at sa bansa.

"Medyo old school ako eh. I think a man should know his responsibilities. Kapag may maling ginawa, own up to the responsibilities. Kapag may tamang ginawa, learn from it," ani Gerald.

“Be a good citizen, be a good person, be a good partner, and be a good member of the family. Alagaan mo yung pamilya mo, alagaan mo‘yung mahal mo sa buhay. Be respectful, be competitive but also be humble. Always learn from your mistakes and try to be a good person. Para sa akin, I think that’s the modern man," paliwanag pa niya.