Kinukuyog ngayon ng mga netizen si Ramon Tulfo matapos umanong maliitin ang isang 'delivery boy' na nagkomento sa kaniyang Facebook post.

Sa nasabing Facebook post, tila ipinagtanggol ni Tulfo si Justice Secretary Crisping "Boying" Remulla matapos maaresto ang anak nitong si Juanito Jose Remulla III dahil sa umano'y illegal possession ng marijuana.

Ayon kay Tulfo, huwag daw sisihin ang kalihim sa kasalanan ng anak nito.

"Huwag nating sisihin si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla sa kasalanan ng kanyang anak na si Juanito. Si Juanito ay 36 at di na bata. Kung nagkamali man siya ay di kasalanan ng kanyang ama," aniya nitong Biyernes, Oktubre 14.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"Sino ba ang ama na matino ang pag-iisip na magudyok sa anak na lumabag sa batas? Lalo pa’t ang ama ay justice secretary. Kahit na anong disiplina o pangaral ang gawin ng isang magulang sa kanyang anak ay may hangganan kapag ang anak ay malaki at matanda na.

"We parents can only do so much to guide our children on the right path. Di na natin kasalanan bilang magulang kung ang tinatahak ng ating anak ay baku-bakong landas," paliwanag pa niya.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang kaniyang pahayag kabilang dito ang isang netizen na isa umanong "delivery boy."

"Di po siya ordinaryong tao, siya po ay Sec ng Justice, kaya dapat siya mag resign. Nakakahiya po iyan, sarili nyang anak di nya kayang malinis," saad ng netizen.

"Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito," sagot naman ni Tulfo.

"salamat po sir, salamat po sa ganun lang kaliit sa tingin ninyo naming mga anak ng mahirap ng patuloy kumakayod makaraos sa kahirapang aming tinatamasa. Lumalabas ng patas, hindi gaya ng anak ng Justice Secretary," sagot naman ng delivery boy.

Samantala, hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging sagot ni Tulfo. Kaya naman makikita sa comment section ng post niya ang pagtatanggol ng mga netizen sa delivery boy.

"so pag delivery boy Wala xang karapatan maki alam sa mga isyung may kinalaman sa mga nangyayari po sa bansa?"

"intelligent ka???? Lol walang talino sa lahi niyo. Gusto mo ata magulpi ule para magtino eh."

"pano yun bobo ka? Asa kalang sa pangalan nyo"

"is there something wrong with being a delivery boy? He performs an honest job - do you?"

"ilang Delivery Boy kaya ang Bumoto sa Utol mo para maging Senador?"

"blue-collar jobs are honest jobs being a self-proclaimed "intelligent" person u should know better"

"ang bastos mo po sir. Akala mo savage kana niyan?"

"And that makes you intelligent, na nangmamaliit ka ng kapwa mo?"

"I can't believe an influential person like you will resort to ad hominem arguments. Akala ko po ba intelihenteng usapan ito?"

"foul ka rito ser. Valid na argumento ang tinapon sayo, ad hominem ang ibinalik mo. Sa pagkakaalam ko, hindi yan ang asal ng intelihenteng tao"

"mapangmata mo naman...Mas may substance ang opinion ni delivery boy kaysa sa iyu Mr.intelihente."

"this is why I have low regard to the Tulfo’s. Either plastik, mayabang o mga matapobre.Matalino ang komento ng delivery driver. Bobo ang sagot mo, Ramon."

"Foul ka RamonTulfo, valid yung argument sayo kaya daoat sagutin mo ng maayos. Akala ko ba usapang intelehente to, pero bakit Ikaw ang Wala sa ayus?"

"wow ganyan ba talaga kapag Tulfo mahilig rumesulta sa ad hominem? at least siya delivery boy man ay marangal ang trabaho at walang tinatapakang tao"