Matapos ang kaniyang reign, balak na tahakin ni Miss Universe 2021 Top 5 finalist Beatrice Luigi Gomez ang pag-aabogasya.
Ito ang ibinahagi ng Pinay beauty queen sa isang panayam kamakailan.
Noong Hulyo, nakuha ni Bea ang kaniyang Mass Communication degree sa University of San Jose Recoletos sa Cebu.
Balak naman nitong sundan agad ang kaniyang pangarap na pag-aabogasya.
Matatandaan na isa sa mga malinaw na adbokasiya ng beauty queen sa 70th Miss Universe ang ma-empower ang mga kabataang “in conflict with the law.”
Samantala, nag-react naman si Bea sa online tags sa kaniya ng fans ukol sa pagkakahawig niya umano sa pinakabagong Miss USA 2022 at kauna-unahang Pinay-American titleholder na si R’Bonney Nola.
“A lot of people have been tagging me telling me that I look like her. So I guess I have another shot for Miss Universe again in the image of R’Bonney,” malambing at nakangiting saad ni Bea.
Nagpasalamat naman ang Pinay-Texan sa tinitingalang Pinay queen.
“Thanks for the love @beatruceluigigmz keep shining!” saad ni R’Bonney.