Isa ka rin ba sa mga nakakatanggap ng candy bilang sukli sa binayad mo? Narito ang legal life hacksni Atty. Chel Diokno.
Sa latest TikTok video ni Atty. Chel Diokno na ipinost din niya sa Twitter, bawal daw ang pagsusukli ng candy sa mga customer.
"Sa No Shortchanging Act o RA 10909 dapat ibigay ang mismong sukli kung hindi, puwedeng ireklamo sa DTI at pagmumultahin," ani Diokno.
Maaaring umabot ang multa mula P500 (first offense) hanggang P25,000 (fourth offense) sakaling hindi magbigay ng sakto o tamang sukli ang mga tindahan o pamilihan. Bukod dito, puwede rin daw i-revoke ang kanilang business permit.
"Alam mo ang dapat sayo. 'Wag tatanggap ng kulang. Ganun din sa life ha? at sa mga pinuno natin," hirit pa ni Diokno.