Sinagot ni Atty. Chel Diokno ang isang katanungan na kung makakasuhan ba ng cyber libel kapag nag-share ng 'fake news' sa social media accounts.

Sa isang tweet nitong Sabado, Agosto 27, sinagot ni Diokno ang nasabing tanong.

"Sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Disini vs Secretary of Justice, ang pag-react, pag-like o pag-share sa isang post na sinasabing nakakasirang puri ay walang pananagutan sa cyber libel," aniya.

"Ngunit iba na ang usapan kung naglagay ng komento na nakakasirang puri sa post na ating na-share. Doon, puwede na tayong makasuhan ng cyber libel. Kaya maganda na maging mag-ingat bago magkomento sa isang post," dagdag pa niya.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1563328018302775297

Hindi ito ang unang beses na may sinagot siyang tanong hinggil sa cyber libel.

Noong Agosto 22, sinagot niya ang katanungang ‘puwede bang makasuhan ng cyber libel ang isang tao kung totoo naman ang pinost tungkol dito?’

“Batay sa batas, itinuturing pa ring malisyoso ang isang nakakasirang post kahit ito’y may katotohanan,” saad ni Diokno sa kaniyang tweet noong Martes, Agosto 22.

“Kapag ang isang nilathala o sinabi ay nakakasirang puri, tinuturing ito ng batas na sinasadya o walang magandang hangarin kundi manira kahit na totoo man ito. Kaya maaaring magkaroon pa rin ng libel case kahit na totoo iyong sinabi.”

“Pero iyong katotohanan, nagiging depensa doon sa anumang kaso na isasampa. Maaaring sabihin ng akusado na totoo ang kaniyang sinabi at may maganda siyang hangarin at hindi malisyoso ang kaniyang pagkilos.”

“Ngunit dapat itong patunayan ng akusado dahil kung hindi, maaari siyang makulong sa kanyang ginawa.

Sa kabilang banda, may exception umano ito, lalo na sa mga prominenteng tao sa lipunan o tinatawag na “public figure”. Kabilang na rito ang mga celebrity at opisyal ng pamahalaan.

“Ngunit may mga exception din dito. Hindi ituturing na malisyoso ng batas ang isang post kung ito’y ulat mula isang opisyal na pangyayari.”

“Isa pa, sinabi ng Korte Suprema na ang mga public figure o mga opisyal ng gobyerno ay hindi dapat maging balat-sibuyas sa mga kritisismo mula sa mamamayan kaugnay sa pagganap nila ng tungkulin.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/23/diokno-nag-lektyur-tungkol-sa-kasong-cyber-libel-puwede-ka-ba-makasuhan-kung-totoo-pinost-mo/