Naniniwala ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na kailangang talakayin at pag-usapan ang tungkol sa mental health, lalo't may mga tao pa ring "insensitibo" tungkol dito.

Nitong Oktubre 10 ay ipinagdiwang ang "World Mental Health Day" kung saan nag-launch naman si Bianca ng series niya tungkol dito sa kaniyang YouTube channel.

"'Kanino ko pwedeng sabihin at paano? Hindi ko masabi, kasi baka maging pabigat lang ako.' On #WorldMentalHealthDay, I'm launching a new #PaanoBaTo Series: You Matter ✨ First episode," aya ni Bianca sa mga netizen na suportahan ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1579447868762763265

Positibo naman ang naging tugon ng mga netizen tungkol dito.

"Thank you for helping break down the stigma attached to mental health."

"Thank you for this, Bianca!"

"Yes, napapanahon na po!"

Ngunit isang isang basher naman ang nagkomento tungkol dito.

"Bagay na bagay sa'yo kasi may topak ka na…"

Niretweet ito ni Bianca at kinomentuhan. Aniya, talagang dapat umanong magkaroon ng mental health awareness ang mga tao lalo na't marami pa rin ang gumagamit ng mga "derogatory" words kagaya ng "topak".

"Absolutely why we need to keep talking about mental health. When people dismiss the topic as 'topak' and other derogatory, unnecessary, harmful terms," tweet ni Bianca.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1579465338319933440

Marami naman sa mga netizen ang pumanig kay Bianca at huwag na lamang daw pansinin ito.