Umaabot sa ₱163,039,424.04 ang halaga ng tulong medikal na ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa may 23,039 na indigents sa bansa mula Setyembre 1-30, 2022.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, ito ay sa ilalim ng Medical Access Program (MAP) ng PCSO.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Batay sa datos na inilabas ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na pinakamaraming nabiyayaan ng tulong medikal sa Southern Tagalog at Bicol Region, na umabot sa 6,871 benepisyaryo o may kabuuang halagang₱37,666,709.39.

Sa Northern at Central Luzon naman, aabot sa P36,530,875.83 naman ang ipinagkaloob sa may 4,962 benepisyaryo.

Sa National Capital Region (NCR) naman, aabot sa 2,559 ang mga benepisyaryong napagkalooban ng tulong medikal o may kabuuang halagang₱33,960,584.76.

Samantala, sa Mindanao, nasa₱29,134,748.51 ang halaga ng tulong medikal na ipinagkaloob sa may 4,847 benepisyaryo.

Habang sa Visayas, aabot sa₱25,746,505.55 ang halaga ng medical assistance na ipinagkaloob sa may 3,800 benepisyaryo.

Ayon kay Robles, ang tulong medikal na ipinagkakaloob ng PCSO sa mga nangangailangang mamamayan ay mula sa kita nila sa mga PCSO games.

Kaugnay nito, hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang mas marami pang mga kababayan natin ang mapagkalooban ng kinakailangang tulong.