Muli na namang binanatan ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis si Kapuso star Bea Alonzo, sa pagsisimula ng world premiere ng "Start-Up Philippines" nitong Setyembre 26, 2022, kasama sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, at Alden Richards.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/bea-alonzo-mukhang-tita-na-raw-ni-alden-richards-sa-start-up-sey-ni-manay-lolit/">https://balita.net.ph/2022/08/09/bea-alonzo-mukhang-tita-na-raw-ni-alden-richards-sa-start-up-sey-ni-manay-lolit/
Dahil daw sa nagdaang bagyo ay nasira yata ang cable ni Manay Lolit ayon sa kaniyang Instagram post. Umaksyon naman daw ang repair team matapos niya itong i-report sa complaint department.
"Hay naku, kung kelan gusto mo manood saka naman wala, talagang lahat ng inconvenience binibigay sa akin. Kasi nga siguro dahil luka-luka ako, kaya hayan may mga pahirap," ani Manay.
"Ayaw siguro ni Bea Alonzo mapanood ko ang Start Up PH para hindi ko makita na mas younger looking si Alden Richards sa kaniya. Or baka nga sa piggy back ride sa kaniya nakasakay si Alden at tinutulungan siya nila Shirley Kuan at Dolor Guevarra para isakay si Alden sa likod niya."
Inokray din ng showbiz columnist ang timbang ni Bea. Aniya, natitiyak daw niyang mas mabigat ang aktres kaysa kay Alden.
"Pero talagang kahit ano sabihin, sure ako na mas mabigat si Bea Alonzo kay Alden Richards. Except kung sira ang timbangan noh. Wanna bet."
Nagsimula ang diretsahang pang-ookray ni Manay Lolit kay Bea nang hindi umano siya payagan ng kampo nito na dumalo sa launching at press conference ng isang beauty product na ineendorso nito.
Anyway, naging matagumpay naman ang pilot episode ng naturang Korean drama adaptation, na napanood lamang sa free TV dahil hindi raw pumayag ang pamunuan ng original series na i-livestreaming ito sa digital platforms ng network.