Humihingi ng donasyon at tulong pinansyal ang mga anak ng 63-taong gulang na street sweeper na inararo ng isang SUV sa Parañaque City.

"Sobrang nakakadurog ng puso ginawa sa mama ko I still cant believe halos ikadurog ng puso ko Makita ang mama ko sa ganitong sitwasyon," ani Jade, isa sa mga anak ng biktimang si Doreen Bacus, na hindi pa rin makapaniwala sa sinapit ng kanyang ina.

Dagdag pa niya, bukod sa suportang pinansyal, humihingi sila ng panalangin upang bumuti ang kalagayan ni Lola Doreen na kasalukuyang nasa Philippine General Hospital.

"I really need your prayers and financial support para sa mabilisang pag galing ng mama ko po," ani Jade.

National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ

Bukod dito, ilang kilalalang personalidad na rin ang nagpahayag ng simpatya sa biktima. Isa na dito si ABS-CBN news anchor Karen Davila, na nanawagan na rin ng tulong para kay Lola Doreen.

BASAHIN: Karen Davila, nanawagan ng tulong para sa lolang street sweeper na nasagasaan sa Parañaque

“Sharing this as it happened at 5:30 AM today Sept 24, 2022 in our BF Homes Parañaque Community,” ani Karen sa kaniyang Instagram story.

“Atrocities like this need to STOP… and the victim, Lola Doreen needs our help.

Bukod kay Karen Davila, nakaramdam din ng galit at naiyak para sa lolang nasagasaan at naabandona sa Parañaque City, ang aktres na si Nadine Lustre.

BASAHIN: ‘Di ko ma-explain galit ko!’ Nadine Lustre, naiyak sa pagkakasagasa sa lolang street sweeper

“Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya,” ayon sa tweet ni Nadine.