Ibinahagi ng showbiz columnist-talent manager na si Ogie Diaz na nabalitaan umano niyang maraming face-to-face classes ang nakakansela dahil nagpopositibo sa Covid-19 ang ilang mga guro o mag-aaral, kagaya na lamang sa paaralang pinapasukan ng kaniyang anak.
"Dami palang naka-cancel na face to face classes, dahil puma-positive ang maraming guro at estudyante," ayon sa Facebook post ni Ogie noong Biyernes, Setyembre 23, 2022.
"Yung isang anak ko, two weeks online muna sila lahat; yung isa namang anak ko, ganundin. Pareho din ng rason.
Ano na ba update sa cases?"
Tanong ng showbiz columnist, "Me aksyon na ba ang DOH o DepEd dito o ang Ched o bahala na ang mga eskwelahang mag-decide?"
"Sana, maramdaman din natin ang pagkilos dito ng mga inaasahan nating tao, bukod sa pagkilos ng sariling pamilya ng mga estudyante at guro."
"Ma-bash na naman kaya ako nito ng mga paid troll?"
Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon sa mga tinuran ni Ogie.
"I agree po. Dapat maglatag ng malinaw na patakaran at aksyon sa mga ganitong pagkakataon. Nakakalungkot para bang bahala na kayo diyan eh…"
"New normal Mama Og. Ganun din sa school ng anak ko, pag may nagpositive sa section, online silang lahat for a week."
"Yup sa bunso ko last week ganun nangyari."
Ang kasalukuyang DepEd Secretary ay si Vice President Sara Duterte.