Aabot hanggang ₱50 bilyon ang kailangang umanong i-refund ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga customer nito, ayon sa dating opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ginamit na dahilan ng dating commissioner ng ERC na si Alfredo Non, ang hindi pa umanong nababagong rate ng Meralco na₱1.35 per kilowatt hour mula noong 2012 na dapat ay mas mababa pa sa kanilang sinisingil.

Aniya, trabaho ng ERC na baguhin ang rate ng Meralco, gayunman, hindi umano ito ginawa.

Masyado aniyang mabagal ang ERC na ayusin ang usapin na nagresulta sa tinatawag na "overbilling."

Eleksyon

John Arcilla, pumalag sa mga ‘di sang-ayon sa dalawang kandidatong inendorso niya

Inamin din ni Non na"hawak ng ERC ang bola" kaya dapat nang kumilos ito upang maayos ang kontrobersya.

Nagbanta rin si Non nasasampahan nito ng kasong dereliction of duty sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng ERC kapag hindi pa inaayos ang usapin.

Nangako naman si ERC chairperson Monalisa Dimalanta na aaksyunan nila ang mga sinabi ni Non para na rin sa kapakanan ng mga customer ng Meralco.