Usap-usapan pa rin sa social media ang kamakailang pag-alma ni Dennis Padilla sa mga naging pahayag ni Julia Barretto sa isang panayam kamakailan.

Basahin: Dennis Padilla, ‘nanggigil’ sa anak na si Julia Barretto matapos ang panayam kay Karen Davila – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging dahilan pa ito para muling maging laman ng diskusyon online ang anang netizens “panunumbat” na karaniwan sa kultura ng mga magulang na Pilipino.

Magkahiwalay na viral ang social media post pa ang naging sentro ng usapin sa online.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Julia Barretto and her siblings didn't ask to be born. Kaya Dennis Padilla, yung mga nai-provide mo for them while they are young is not something you make a sumbat out of. It is your obligation to provide for your family,” ani Eyon Pescasio noong Lunes, Setyembre 19.

Dagdag niya, “And to those boomers saying na, that's still her father; He is. Wala naman nagbago doon. Pero, when someone is toxic, it is better to completely cut them off esp. when your relationship with that person does not benefit your mental health.”

Agad na nag-viral sa Facebook ang naturang post na kasalukuyang umani na ng nasa 24,000 reactions at 21,000 shares.

Kalakhan din sa mga komento ay nagpahayag ng simpatya sa netizens na anila’y mahirap pang matanggap ng mga naunang henerasyon.

“Takot na takot yung mga tanderz [matatanda] sa ganiyang konsepto kasi takot silang maging accountable para sa mga shit na ginagawa o ginawa nila sa younger relatives nila.”

“I hope this kind of belief dies with the older generation. Cutting a family member because of the trauma they've caused you is valid, it gives you your peace. You don't have to forgive them to be alright, and you don't have to associate with them evenif you did forgive them.”

“A pill that Asian parents can’t swallow without hurting their pride.”

“His kids have been reminding him not to take everything on Social Media so they can settle things privately, also to at least protect them from all the bashing and yet there he is every time his kids speak up even if they didn’t speak ill of him, hegoes to SocMed right away to launch a pity party.🤦🏻‍♀️

Gayunpaman, ilan pa ring netizens ang iginiit ng umano’y pagkakamali ng magkakapatid na Barretto para sa kinahantungang relasyon sa ama.

Parehong viral post din ang umani ng atensyon nitong Martes, Setyembre 20.

“The "panunumbat" is disgusting. Ladies and gentlemen, this is what a toxic Filipino parent looks like,” ani Jared Espino sa kaniyang viral Facebook post.

Kalakip ang mga naging komento ni Dennis sa Instagram post ni Karen Davila, dagdag na ipinunto ng netizen na hindi piniling maipanganak ni Julia.

“You brought Julia to the world. Having a child comes with responsibilities and hindi dapat yun sinusubat dahil responsibilidad mo yon bilang magulang.”

“A child does not owe anything to his/her parents for doing something that they ought to. As the parent, it is your responsibility to give your child the best life, and it's not a debt that has to be paid 20 years later.”

Kagaya ng unang post ni Pescasio, parehong umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing usapin.

“But this new generation seems to forget the phrase, 'utang na loob'. Some of y'all are just ungrateful af. There shouldn't even be no argument. If you really care for your parents, you should definitely pay them back the love and respect they gave youif you're capable of doing it.”

“Yung mga old generation believers dito really think that children owe their parent for doing the things that a parent should normally do, patawa kayo pinili nila maging magulang so it's their responsibility as if naman.”

“Hindi naman utang na loob ng anak na binuhay siya ng mga magulang niya. Parents chose to f*ck tapos when a child is born, utang na loob pa nung anak? There wouldn't be any problems giving back to a parent if they deserve it. Problematic na yung parent,abusive even tapos "utang na loob" pa rin isusumbat sayo?”

“Julia's first HEARTBREAK was from her father. A child will always be reminded of the pain he/she experienced.”

“I think di sya nanunumbat, wala nmn cguro masama magpaalala lalo n kung sinsabi nung kabilang kampo na prng wlang nagawa ung isa.. pero sympre d p dn tlga alam anu ang iba pang story mahrp mag judge.”

“Your child is not a retirement plan.”

Habang sinusulat ang istoryang ito, nasa 14,000 reactions at 16,000 shares na ang nasabing post ng netizen.