Mahigit sa 3,300 bakanteng trabaho sa gobyerno ang iniaalok sa gaganaping online career fair na magsisimula a Setyembre 19, ayon sa pahayag ngCivil Service Commission (CSC) nitong Linggo.

Sa pahayag ni CSC Commissioner Aileen Lizada, tampok sa naturang career fair ang 3,314 na bakanteng trabaho sa 131 na ahensya ng pamahalaan.

Ang job fair ay itataon sa pagdiriwang ng ika-122 taon ng Philippine civil service, ayon sa opisyal.

“Lahat ho ng pino-post natin ngayon ay plantilyado. When you say plantilla, may item number, plantilla number,” banggit ni Lizada sa panayam sa telebisyon.

“These are regular positions. You will be entitled to all the statutory, mandatory benefits, and all benefits allowed by law. (Kapag) plantilla, regular ho kayo kaagad,” paglalahad ng opisyal.

Aniya, ang mga trabahong ito ay kinabibilangan ngRevenue Officer, Admin Officer, Guidance Counselor, Admin Aide, Admin Assistant, Project Development Officer, engineer, nurse, Medical Specialist, Medical Officer, Accountant, planning Officer, at iba pa.

Mayroon din aniyang mga posisyon ang hindi na kailangan ng civil service eligibility.

"Sa lahat ng naghahanap ng trabaho, pagkakataon niyo na po. Sept. 19 to 23, government online career fair. Visitjobstreet.com.phand see paano ho gagawin,” aniya.

“Kung tatrabaho kayo sa gobyerno, while maganda ang pay, while may security of tenure, please expect long working hours, and there is a sacrifice because truly, it is a privilege to serve our country,” banggit pa ni Lizada.