Isinauli na sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang hindi nagamit na pondo ng Oplan LIKAS (Lumikas para Iwas Kalamidad at Sakit) program, ayon sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Sa pahayag ni PCUP chairperson, Undersecretary Elpidio Jordan, Jr. nitong Biyernes, ang nasabing pondo na dati nang nakalaan para sa programa ay hawak na ng DILG.

Hindi aniya nagamit ang pondo dahil lagpas na ang panahon ng pamamahagi nito dahil sa hindi maiiwasang pagkaantala.

Paliwanag ni Jordan, layunin ng programa na i-relocate ang aabot sa 120,000 informal settler families (ISFs) na nakatira sa mga danger area sa Metro Manila.

Nakalaan aniya ang pondo para sa mahigit 11,000 nailikas na pamilyang naapektuhan ng bagyong 'Ondoy' mula sa National Capital Region (NCR).

Sa nabanggit na bilang, 3,000 lang na pamilya ang nakatanggap ng financial aid na ₱18,000 bawat isa.

Sinimulan na aniyang ipinamahagi ito ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD), gayunman, nahinto ito nang magsara ang project-based office ng ahensya.

Dahil dito, ibinalik na nila ang pondo sa DILG.

Pagkatapos, inilipat ang pondo sa PCUP at National Housing Authority (NHA) para maipamahagi.

PNA