Kumpiyansa pa rin si Ginebra coach Tim Cone kahit sila lang ang mayroong pinakamaliit na import sa pagsisimula ng PBA Commissioner's Cup sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City sa Setyembre 21.
Sinabi ni Cone na kahit lagpas 6'4" lang si Justin Brownlee o mas maliit kumpara sa import ng 12 pang koponan, mayroon naman silang dalawang malalaking center/power forward na sina 6'9" Japeth Aguilar at at 6'8" Christian Standhardinger.
Sa pagbubukas ng Commissioner's Cup kung saan nabigyan ng karapatang kumuha ng import ang bawat koponan.
Sa susunod na linggo, ipaparada ng 12 na koponan ang matatangkad nilang import na ang karamihanay mayroong 6'10" ang taas.
Gayunman,ipaiiralng PBA ang height limit na 6'10" sa mga import.
"We have Christian (Standhardinger) and Japeth (Aguilar), so if we bring in a big import, a big 6-10 import, he's gonna limit the time on the floor for either Christian or Japeth," pahayag ni Cone.
"Justin is a mismatch hell to any team. He allows us to continue to play Japeth and Christian in the regular minutes. They are two of our best players, so you don't want to bring in a big import and make one of your best players sit down. So, that's our advantage -- we have our two big guys, and that allows us to bring in a smaller import," lahad pa ni Cone.
Matatandaang nakuha ng koponan nito ang kampeonato nangmaging import ito sa Commissioner's Cup noong 2018 at 2019. Nahablot din ni Brownlee ang Best Import award noong 2018.