May nakalap daw na balita ang talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa mga paid trolls.
Inispluk niya ang nasagap niyang balita sa pamamagitan ng isang tweet nitong Lunes, Setyembre 12.
"Balita ko, nagkakabawasan na raw ng paid trolls, dahil di na raw masyado kailangan ang “maintenance"," sey ni Ogie.
"Yung iba, di pa nakakasuweldo, andami na raw nilang paninirang ginawa sa kalaban, waley pa din daw sweldo," dagdag pa niya.
"Eh kasalanan nyo yan, sinimulan nyo sa mali."
Sa hiwalay na tweet, may patutsada naman siya sa umano'y bashers niya.
"Buhay na buhay na naman ang mga bashers ko. Gow lang. Gusto ko, happy kayo. Para naman di kayo nganga sa work nyo," aniya.
"Ang tanong: nakasweldo na ba tayo diyan? O hintay pa din?"
Hindi ito ang unang beses na pinatutsadahan niya ang mga trolls at bashers niya. Katunayan, palagi niyang ginagawa ito lalo na kapag nagpapalaganap umano ng fake news ang mga ito.
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/16/ogie-diaz-may-pinatutsadahan-ang-mga-trolls/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/16/ogie-diaz-may-pinatutsadahan-ang-mga-trolls/
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/25/ogie-diaz-pinuna-ang-paid-trolls-kontra-vp-leni-kinuwestyon-si-alex-santos-ng-net25/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/25/ogie-diaz-pinuna-ang-paid-trolls-kontra-vp-leni-kinuwestyon-si-alex-santos-ng-net25/