Inokray ni Ogie Diaz ang umano'y basher ni dating Vice President Leni Robredo dahil may sinabi ito tungkol sa pagiging isa sa mga Hauser Leaders ni Robredo saprestihiyosong Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership.

Ayon sa tweet ni Mark Lopez noong Setyembre 4, hindi raw matatakpan ng Harvard ang 'stupidity' at 'weak leadership' skills ni Robredo.

"No amount of Harvarddeodorizing can ever mask the stupidity and weak leadership skills of Madumb. Kahit gawin nyo pang dean yan, you are depriving students of real education kung yan lang boba yan ang magtuturo," aniya.

Sumagot naman si Diaz nitong Biyernes, Setyembre 9. Aniya, "malungkot ang buhay niya. At si Leni ang nagpapasaya sa kanya. At least nakatulong sa kanyang mental health si Mama Leni."

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nag-reply naman si Lopez, "The saddest life actually is yours Mister Diaz. Why? Imagine super sikat ka pero nag effort ka pa sa tweet ko even if I am a nobody? Dahil lang sa barya na iaabot sa iyo ng mga handler ni Madumb? How pathetic di ba?"

Gayunman, hindi na sumagot si Diaz sa reply ni Lopez.

https://twitter.com/MacLopez769/status/1568271851297832962

Sa Oktubre nakatakdang gampanan ni Robredo ang pagiging isa sa mga Hauser Leaders sa prestihiyusong Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership.

Pagbabahagi niya, hindi siya mananatili ng buong fall semester sa Cambridge, Massachusetts para mapamunuan pa rin ang Angat Buhay.

“Sandali lang naman ako mawawala. Nakiusap po ako na hindi po ako pwedeng entire semester. So nandun po ako mula October hanggang December. Pero uuwi ako dito ng November. Merong break in between na nandito ako uuwi ako,” ani Robredo sa isang pahayag kamakailan.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/05/robredo-3-buwang-magtuturo-sa-harvard-pamumunuan-pa-rin-ang-angat-buhay-habang-nasa-us/

Samantala, kamakailan ay may kumakalat na video sa Twitter na kung saan inaddressni Robredo mga karaniwang panlalait na natatanggap niya umano sa mga trolls kagaya ng “bobo”, “lutang”, at “Madumb”. Nabanggit niya ang pagtataas ng kilay sa kaniya sa pagiging Hauser Leader.

“Ano yung gagawin ko sa Harvard? Hinihintay ko nga kung ano yung sasabihin ng trolls eh,” hirit ni Robredo na ikinahalakhak at ikinapalakpak naman ng audience.

“Excited ako kung ano yung… kasi ‘di ba yung pinaka-narrative na… pinaka-narrative nila sa akin bobo ako, ‘di ba? Bobo ako, lutang, Madumb… yun yung sabi nila. Pero sabi ko nga, talaga ang Diyos, yung Diyos talaga marunong. Kasi… yung mga dumarating sa akin, parang hindi ko naman sino-solicit.”

“Pero nung nagsabi nang nagsabi ng ‘Madumb’ binigyan ako ng Ateneo ng honorary degree. Tingin ninyo ang Ateneo magbibigay sa isang lutang at bobo? Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang Ateneo kundi Harvard,” nakangiting pahayag ni Robredo. Muli namang humiyaw at nagpalakpakan ang audience para sa kaniya.

“Hindi naman sa pagyayabang pero parang ang feeling ko kasi, sagot iyon ng Diyos para sa kanila.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/04/atty-leni-nag-react-sa-trolls-na-tumatawag-sa-kaniya-ng-bobo-lutang-at-madumb/