Posible bang magkaiba ang ama ng kambal na anak ng isang ina?

Iyan ang tanong ng mga netizen sa sitwasyon ng isang 19 taong gulang na babaeng Brazilian, matapos umano niyang magsilang ng kambal---subalit ang siste, magkaiba umano ang mga ama nila!

Ayon sa ulat ng isang local news outlet mula sa bansang Brazil, aminado ang naturang babae na nakipagtalik siya sa dalawang lalaki sa loob lamang ng isang araw (hindi na idinetalye kung sabay). Nagbunga nga ang pakikipagtalik na iyon sa kambal.

Habang lumalaki raw ang kaniyang kambal ay naghinala ang ina, kaya nagsagawa siya ng paternity test. Dito ay napag-alamang magkaiba ang mga tatay ng kambal.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Maging ang naturang ina ay hindi rin makapaniwalang posible itong mangyari.

Ayon naman daw sa doktor ng ina na si Dr. Tulio Jorge Franco, posible raw ito subalit "one-in-a-million" lamang. Tinatawag daw itong "heteropaternal superfecundation." Mas common o karaniwan daw ito sa mga hayop gaya ng aso, pusa, o baka.