Maging ang Archdiocese of Manila ay nakikiisa sa mga mamamayan ng Britanya sa pagluluksa dahil sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Ayon sa Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang pagpanaw ay maituturing na 'end of an era' dahil sa mahabang panahong paninilbihan.

Nagpaabot rin siya ng pakikiramay at nag-alay ng panalangin para sa Royal Family at sa mga mamamayan ng Britanya.

“We would like to extend our deepest condolences to the Royal Family, the citizens of Great Britain and the Commonwealth for the loss of their Sovereign, Her Royal Highness, Queen Elizabeth II. We offer prayers for Her Majesty and her loved ones. Her passing leaves a void in our collective minds and hearts and marks the end of an era,” ani Advincula sa panayam ng church-run Radio Veritas nitong Linggo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaang si Queen Elizabeth II ay sumakabilang-buhay sa edad na 96 taong gulang noong Setyembre 8, 2022, kasabay ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, sa Balmoral Castle sa Scotland.

Inilarawan ng Cardinal ang reyna bilang matapat na anak, maybahay, ina at lola sa pamilya sa kabila ng kanyang Royal duty sa Great Britain at Commonwealth.

Pinuri rin ng arsobispo ang katatagan ng lider na sa 70 dekadang paglilingkod ay hinarap ang iba't ibang hamon sa lipunan sa kapakinabangan ng nasasakupan.

"During her Reign of more than 70 decades, Queen Elizabeth II navigated the oftentimes tumultuous vicissitudes of history through sheer strength of character which is founded on her strong faith in God, thereby leaving an indelible mark on the English Monarchy and the world in general," aniya pa.

Dahil sa pagpanaw ng lider, papalit sa posisyon ang panganay na anak na si King Charles III na nagsilbing Prince of Wales.

Tiniyak ni Cardinal Advincula sa bagong mamumuno sa Britanya at Commonwealth ang patuloy na panalangin sa ikatatagumpay ng panunungkulan sa tulong at gabay ng Panginoon.

"We also take this occasion to wish her successor, His Royal Highness, King Charles III, all the best as he takes on the mantle of father to his nation. Rest assured of our prayers as Your Majesty assumes the onus of the Crown," dagdag ng Cardinal.

Nabatid na si Queen Elizabeth II ang pinakamahabang naglingkod makaraang pumanaw ang ama na si King George VI noong 1952.

June 2, 1953 ang makasaysayang royal event na pagkorona ng reyna na isinahimpapawid sa telebisyon.

Una nang nakiisa at nakiramay ang Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.