Umalma ang Unkabogable star na si Vice Ganda hinggil sa kumalat na balita na nagkaroon sila ng iringan ng Kapuso actress na si Marian Rivera.

Sa ulat ng showbiz segment ng Frontline sa Umaga ng News5 nitong Setyembre 1, sinabi na natuldukanna ang isyung iringan nina Vice at Marian.

"Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!" sey ni Meme nang i-retweet niya ang isang deleted tweet ng News5.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE!" dagdag pa nito sa panibagong tweet.

Nag-react naman ang Frontline sa Umaga news anchor na si Gretchen Ho sa naunang tweet ni Vice, aniya, "Hi Vice, will investigate and send this to our producers."

Bukod dito, hindi rin napigilang mag-react ni MJ Marfori dahil tinatag siya ng mga netizen sa nasabing isyu.

Nabanggit kasi ni Gretchen ang pangalan niya bilang reporter sa showbiz segment ng programa.

"Also, hindi ko story ito @vicegandako," reply niya sa tweet ni Gretchen.

"Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?" tila inis na reply ni Vice sa kanya.

"I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend," reply naman niya.

'Laughing' emojis na lamang ang sinagot ng komedyante sa kanya.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang pamunuan ng News5 tungkol sa maling ulat nila.

"Pagwawasto lamang po, kami ay humihingi kami ng paumanhin sa mga personalidad na nasangkot sa maling report na inilabas kahapon dito sa showbiz segment ng Frontline sa Umaga na nagsabing nagkaroon ng iringan sina Vice Ganda at Marian Rivera," saad ni Gretchen sa Frontline sa Umaga nitong Biyernes, Setyembre 2.

"Agad pong inaksyunan ng pamunuan ang isyu matapos mapag-alamang mali ang naging ulat. Muli humihingi kami ng paumanhin at sisikaping hindi na maulit ang nasabing pagkakamali," dagdag pa niya.

https://twitter.com/News5PH/status/1565633068911583232

Inilabas naman ng News5 sa kanilang Twitter account ang video clip ng paghingi nila ng paumanhin. Niretweet naman ito ni Gretchen at humingi ulit ito ng paumanhin sa dalawang showbiz personality.

"We issued an erratum this morning on #FrontlineSaUmaga for yesterday’s erroneous news report. Rest assured, we are reviewing internal processes to make sure this doesn’t happen again. Apologies to @vicegandako and Ms. Marian Rivera. We will do better," sey niya.

Nag-reply naman si Vice sa naturang tweet, "Thank you @gretchenho . I appreciate it."