Isasara na muna ang gusali ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City sa loob ng tatlong taon simula Enero 1, 2023 upang isailalim sa rehabilitasyon.

Ayon kay CCP Chairperson Margie Moran-Floirendo, inaasahan nila na magbubukas ito sa Marso 15, 2025, kung hindi kakapusin ang₱400 milyong pondo.

Ang CCP ay ipinatayo ni dating Ferdinand Marcos, Sr. at nagsilbing linangan ng kultura ng bansa noong dekada 70.

Inihayag ito ni Floirendo sa pagdinig ng Senate Committee on Culture and Sports.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kaugnay nito, inihayag naman ni CCP President Jaime Laya, ipapalabas muli ang “Mga Kwento ni Lola Basyang “ sa susunod na buwan.

Idinagdag pa niya na sa kasalukuyan ay mayroong community based activities sila katulad ng Kanto-Kanya, isang grupo ng mga musikero na gamit ang mga katutubong instrumento.