Muling sasabak sa European journey ang singer-actor na si Gerald Santos sa pamamagitan ng Miss Saigon bilang si 'Thuy' but this time sa Denmark. Ang nasabing show ay tatakbo mula February 9, 2023 hanggang June 3, 2023.

Kaya naman puspusan ang pag-aaral ni Gerald ng Danish language na inaming niyang nahirapan at nagka-anxiety siya sa ganitong lengguwahe. Pero kakayanin niya ang challenge na ito. Bago pa man niya uli nakuha ang role aniya for the past two years hindi raw siya in touch sa buong production ng Denmark dahil nga sa pandemic.  

Pero nang malaman niyang may nagaganap na audition nangamusta si Gerald. Saad niya, “When I learned na hindi pa sila nakakahanap ng Thuy so nangamusta lang ako. Tapos sabi nila oh ok Gerald, may gagawin na  Danish production maybe if you wanna try it again. So I had to audition pa rin. I sent a video. But yun nga it’s more of an invitation. Kumbaga siyempre kasi maybe may record na ako sa kanila. So it was a beat easier this time unlike before. After I sent my video they offered me the role right away.”

Dagdag pa ni Gerald tatlo lang daw silang Pinoy ang pasok sa “Miss Saigon” Denmark. 

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sa pitong buwan na pamamalagi si Gerald sa Denmark tiyak daw niyang mamimiss ang mga aso niya at ang Filipino food dahil karaniwang wala raw lasa ang mga pagkain doon. Subalit thankful pa rin daw siyang may mga Filipino store doon kaya naman nakakapagluto pa rin ito.

Mamimiss din daw niya ang kanyang mga supporters at ang masakit daw para sa kanya ang mawalay muli sa kanyang pamilya lalo't sa Denmark na siya magpa-Pasko at magba-Bagong Taon. Pero tanggap naman niya dahil sayang naman ang magandang opportunity kasi puwede naman daw silang magcelebrate ng advance o kaya virtually para makita niya ang kanyang mga mahal sa buhay. 

Samantala bago lumipad patungong Denmark si Gerald papaimbulog muna siya sa local musical theater scene na “I Will: The Musical.”

Gaganap siya bilang si Doc Willie Ong. Ang musical play ay hango sa buhay ni Doc Ong na siyang inspired gawin mula nang mapanood si Gerald sa San Pedro Calungsod musical back in 2020. 

Nagmaterialize ito sa tulong ng manager ni Gerald na si Rommel Ramilo. Abangan na rin ang dalawang movie ni Gerald na “Mamasapano: Now It Can Be Told” and Al Coda,” a rom-com with Marion Aunor.

By the way sa “I Will: The Musical” si Ramilo ang utak ng lahat dahil siya ang gumawa ng libretto, composer ng mga songs at direktor. Makakasama ni Gerald dito ang ilang international Filipino theater artists gaya nila Ima Castro, Jon Joven Uy, Krizza Neri at Roeder Camañag. Mapapanood ito sa Oct. 14, 2022 sa Metropolitan Theater ng 7pm.