Nilinaw ni "Idol Philippines" judge Chito Miranda na hindi sila "devastated" sa Top 8 finalists nila sa naturang American franchise singing competition, kundi sa nangyari lamang na pagkakatanggal kay Nisha Bedaña noong Linggo, Agosto 28, dahil lamang sa mababa nitong nakuhang boto mula sa taumbayan.
Ayon sa kaniyang tweet nitong Martes, Agosto 30, deserve na deserve umano ng Top 8 ang kanilang spot ngayon.
"May gusto lang ako i-clarify."
"We weren't devastated because of those who made it sa Top 8."
"They deserve their spot… regardless kung trip mo sila o hindi," ani Chito.
"Doon ako na-upset: sa fact na wala masyadong nag-effort mag-vote para kay Misha and Nisha…because I felt they deserved more from their supporters."
May mensahe rin ang lead vocalist ng bandang "Parokya ni Edgar" sa mga nagrereklamo patungkol sa "audience' votes".
"Instead of complaining, and asking Idol Philippines to change, and go against the format dictated by the American Idol Franchise, maybe it would be easier to simply make an effort to vote… just like what the others did for those they chose to support."
"The format and mechanics used on Idol Philippines is dictated by the American Idol Franchise, and sinusunod lamang ng Idol Philippines ang patakaran nila… and that includes online voting."
Sana raw ay suportahan ng mga tagahanga ang kanilang idolo, kagaya ng pagsuporta nila sa iba pang "established artists" kagaya ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.
"They worked so hard to get there. They got the scores that they needed from the judges, and the support and votes from their supporters. Nag-effort yung mga fans nila para bumoto."