Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa ₱58 milyong halaga ng shabu na nanggaling sa Nigeria sa ikinasang operasyon sa Maynila kamakailan.

Sa pahayag ng BOC, ang kargamento na naunang idineklarang "pinatuyong pampalasa" ay nasabat ng grupo sa San Andres nitong Agosto 19.

Paliwanag ng ahensya, ang naturang illegal drugs na nasa 8.575 kilo ay nakatago sa isang puting plastic bowl na isinilid naman sa kahon ng dried spices.

Nauna nang naghinala ang BOC na posibleng naglalaman ng iligal na droga ang kargamento dahil nagmula pa ito sa Nigeria.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Hinarang ang kargamento dahil sa kawalan ng dokumento.

Dahil dito, nakipagtulungan ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA IADITG) na nakadiskubre na shabu ang naturang kargamento.

Nasa pag-iingat na ng PDEA ang nasamsam na iligal na droga habang iniimbestigahan pa rin ang kaso.

PNA