Tuluyan nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes ang lisensya ng driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na sumagasa sa isang guwardiya na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong nitong Hunyo.

Ito ay matapos mapatunayang nagkasala si Jose Antonio Sanvicente sa kasong reckless driving at duty of driver in case of accident.

Pinagbabawalan na ring kumuha ng isa pang driver's license si Sanvicente at hindi na maaaring magmaneho ng sasakyan.

Hawak na rin ng LTO-Intelligence and Investigation Division ang lisensya ni Sanvicente.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Nauna nang isinampa sa korte ang kasong frustrated homicide laban kay Sanvicente matapos makitaan ng "probable cause" ng Mandaluyong City Prosecutor' Office ang reklamo laban sa kanya.

Matatandaang sinasagaan ng driver ng SUV ang security guard na si Christian Joseph Floralde, habang nag-aayos ng trapiko sa tapat ng isang shopping sa Julia Vargas Avenue at St. Francis Street sa Mandaluyong nitong Hunyo 5.