Nagkansela pansamantala ang Philippine National Railways (PNR) ng operasyon sa Metro Manila nitong Martes ng hapon.

Kasunod na rin ito ng mga pagbaha dulot ng Severe Tropical Storm Florita.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng PNR na kabilang sa pansamantala nilang sinuspinde ay ang panghapong biyahe ng kanilang mga tren.

Kabilang dito ang sa Metro North o biyaheng Tutuban - Governor Pascual - Bicutan at Metro South o biyaheng Tutuban - Alabang - Tutuban.

National

House Quad Comm, nanindigang ‘di ilalabas transcript ng hearing para sa ICC

"PAUNAWA! May temporary suspension ang mga PNR trains ngayong hapon ng Agosto 23, 2022, dahil sa pagbaha," anang PNR.

Nauna rito, nakaranas ng mga pag-ulan at pagbaha ang Metro Manila dahil sa bagyong Florita.