Isang taga Quezon City ang mapalad na nagwagi ng ₱72.2 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 20-33-30-10-08-34 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyong ₱72,205,456.80.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni Robles ang lotto winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong identification cards.

Hinikayat rin ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, wala namang nagwagi sa₱90,620,159.40 jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na binola rin ng PCSO nitong Lunes ng gabi matapos na walang makahula sa six-digit winning combination na 01-40-33-24-30-45.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes habang ang GrandLotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.