Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng bagong acting administrator ng Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos magbitiw sa puwesto ang hepe ng ahensya dahil sa "illegal" na pagpapalabas ng kautusang umangkat ng asukal.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Vic Rodriguez nitong Sabado at sinabing napili ni Marcos si David John Thaddeus Alba upang pamunuan ang SRA.

Papalitan ni Alba si dating SRA administrator Hermegildo Serafica.

Nauna nang inihayag ni Marcos na magpapatupadsiya ng balasahan sa SRA kasunod na rin ng pagbibitiw sa posisyon ng tatlong opisyal nito kamakailan.

Si Marcos ang nagsisilbing kalihim ng Department of Agriculture (DA) at attached agency nito ang SRA.

Matatandaang naging kontrobersyal ang SRA nang magpulong ang mga miyembro ng Board nito kamakailan at agad na naglabas ng kautusan upang mag-import ng 300,000 metriko- tonaledang asukal kamakailan sa kabila ng kawalan ng basbas ng Pangulo.