Mamamahagi ng₱5,000 cash allowance angDepartment of Education (DepEd) para sa mga guro sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

“We would like to announce na sa pasukan, August 22, we will be giving our teachers ‘yung tinatawag nating cash allowance na P5,000,” pahayag ni DepEd spokesperson Michael Poa sa isang pulong balitaan nitong Biyernes.

"Lahat po ng teachers makatatanggap. Ibababa po ‘yan, I think doon sa school’s divisions —I’llconfirm — pero lahat po ay makakatanggap by August 22,” paniniyak ni Poa.

Kaugnay nito, palalawakin pa ngOffice of the Vice President (OVP) ang pamamahagi ng mga PagbaBago bag na naglalaman ng mga gamit-pang-eskwelaathygiene kits.

“‘Yan din ang plano natin. Hangga’t meron tayong resources para itulong at i-distribute, lalo na doon sa mga areas na kailangan na kailangan talaga ng school supplies at hygiene kits, i-expand natin ang operation,” pagbibigay-diin ng OVP spokesperson Reynold Munsayac.

Aniya, hindi pa rin kayang maipatupad ito sa national level. "Titignan ho natin. Siguro ho dahil limited lang naman ‘yung resources, targeted areas lang ito. ‘Yung mas nangangailangan, mas uunahin natin,” anito.

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa aniya sila ng PagbaBago campaign sa Limasawa Island sa Southern Leyte.