Ikinasa na ng Senado ang imbestigasyon sa kontrobersyal na planong pag-aangkat ng daan-daang metrikong tonelada ng asukal at sa₱2.4 bilyong halaga ng mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd).

"My plan, with the indulgence of your honors, is to tackle the sugar importation on Tuesday and tackle the laptop resolution on Thursday para back-to-back na ito," pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Francis Tolentino nitong Miyerkules.

Ito ay kasunod na rin ng panawagan ni SenatePresident Juan Miguel Zubiri sa komite na silipin ang kontrobersyal na kautusan ngSugar Regulatory Administration (SRA) para sa pag-aangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.

Kamakailan, isinapubliko ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na "illegal" ang sugar importation order na pirmado rin ng nagbitiw na si dating Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian.

Ang desisyon ng komite na imbestigahan din ang kontrobersyal na pagbili ng DepEd ng mga mamahaling laptop ay tugon sa apela ni Senator Alan Peter Cayetano.

Nauna nang sinilip ng Commission on Audit (COA) ang presyo ng mga nasabing laptop dahil "outdated" na o lipas na sa panahon at hindi na umano ito angkop na gamitin ng mga guro sa para sa kanilang online learning.