Umabot na sa 7,000 pamilya ang naapektuhan ng flash flood sa ilang bayan sa Isabela nitong Linggo, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pahayag ng DSWD-Region 2, kabilang sa binaha ang San Manuel kung saan naapektuhan ang 5,000 pamilya.
Sa Aurora, nasa 2,000 pamilya naman ang binaha dahil umano sa walang tigil na pag-ulan nitong Agosto 14.
Kaagad namang kumilos si DSWD Regional director Cezario Joel Espejo at namahagi ng family food packs at₱3,000 na ayuda alinsunod na rin saAssistance to Individuals in Crisis Situation program ng ahensya.
Kaugnay nito, nagpaliwanag naman angNational Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) Division IIIat sinabing hindi dulot ng operasyon ng Magat Dam ang pagbaha.
Idinagdag pa ng ahensya na ang pagbaha ay resulta umano ng tatlong oras na pag-ulan.
Nitong Agosto 13, nakaranas din ng dalawang oras na pag-ulan sa Roxas na nagdulot din ng pagbaha.