May libreng National Training-Seminar ang Departamento ng Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas para sa mga guro, propesor, at iba pang nagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas, sa darating na Agosto 25 at 26, 2022.

Bukod sa mga nagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas at Araling Panlipunan, bukas din ito sa lahat ng mga nagnanais na dumalo, lalo na ang mga nasa akademya.

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

"CALL FOR PARTICIPANTS"

"We are inviting participants for the National Training-Seminar for Teachers of Philippine History to be held through Zoom on 25-26 August 2022."

"To be registered, please register through the QR code on the poster or fill in the online registration form at this link: https://bit.ly/PROFESS-2022"

"This training-seminar is free of charge," ayon sa Facebook post ng UP Departamento ng Kasaysayan, Biyernes, Agosto 12.

Ilan sa mga tatalakayin ng mga propesor ng UP Department of History ay ang tungkol sa GOMBURZA, na kamakailan lamang ay naging mainit na usapin dahil sa isyu ng "MAJOHA" asa reality show na "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Teens Edition".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/">https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/