TUGUEGARAO CITY, Cagayan -- Tumataas ang COVID-19 posititivity rate sa lalawigan ng Cagayan batay sa datos na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Noong Sabado, Agosto 6, mayroong karagdagang 63 na nahawahan ng Covid-19 sa lalawigan

May kabuuang 493 COVID-19 active cases sa buong Cagayan sa 26 na munisipalidad kabilang ang isang lungsod.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ito ay ang mga munisipyo ng Abulug, Alcala, Allacapan, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Camalaniugan, Claveria, Enrile, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lallo, Lasam, Pamplona, ​​Penablanca, Rizal, Sanchez Mira, Solana,Sta Ana, Sta. Teresita, Sto Nino, Tuao, at Tuguegarrao City.

Habang ang mga munisipalidad na may Zero COVID-19 ay Sta Parxedes, Piat at Calayan.

Iniulat ng Cagayan Provincial Information Office na nasa 50% ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay nagmula sa Tuguegarao City na nanatiling sentro ng virus sa lalawigan.

Umabot na sa 254 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao.

Pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sumunod sa minimum public health standards.

Hinimok din ng Provincial Health Office ang pagbabakuna laban sa Covid-19.

Sa ngayon, ang unang booster shot ay bukas para sa mga may edad na 12 pataas, habang ang mga kabilang sa A1, A2, A3 priority group ay maaari ding mabakunahan ng 2nd booster shot.