Idineklara ni Makati Mayor Abby Binay ang state of climate emergency sa lungsod.
Sa isang online forum na pinamumunuan ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), binaggit ni Binay ang pagtaas ng temperatura at lebel ng dagat sa buong mundo na nakakaapekto sa mga mabababang lugar sa baybayin, kabilang ang financial district ng bansa.
"As temperatures and sea levels continue to rise, low-lying coastal areas in cities like Makati have become more vulnerable to strong typhoons that bring floods and landslides. This will result not only in the disruption of public services but also the displacement of families and even entire communities," ani Binay.
Nangako si Binay na paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang mga pagsisikap upang matugunan ang pagbabago ng klima.
Nanawagan din siya sa partisipasyon ng mga negosyo, komunidad, at iba pang stakeholder.
Aniya, "We call upon everyone to come together and act now. We must ensure aggressive application of the whole-of-society approach in combating climate change. We heard the data. We understood the science, and we are feeling its impact. Now is a crucial time to act, and we need to act fast. We need thinkers, doers, and movers."
"The time for action is now. As the new breed of Makatizens and global citizens, it is our responsibility to take care of our city and ensure that it remains a livable place for future generations. We must promote sustainability and climate consciousness in all our actions. We must be the change we want to see in our city and the world," dagdag pa ng alkalde.
Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinapatupad ng Makati ang ilang mga ordinansa para sa kapaligiran — kabilang ang Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, plastic ban sa mga kabahayan at business establishments, pagbabawal sa paninigarilyo, Anti-Smoke Belching Ordinance, at Greenhouse Gas Reduction Ordinansa.
Sinabi rin ni Binay na may planong bumili ng mga de-kuryenteng sasakyan para sa pamahalaang lungsod at paggamit ng solar panel sa mga pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno upang mabawasan ang pagkonsumo ng enerhiya at matiyak ang pagpapatuloy ng mga serbisyo sa panahon ng kalamidad.
Nagsagawa rin ng pagpupulong si Binay sa mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) habang binabalangkas nito ang mga programa at inisyatiba nito sa paggawa ng Makati na isang matalino at luntiang lungsod tulad ng integrasyon ng mga de-kuryenteng sasakyan (e-vehicles), masusustansyang pagkain para sa mga mag-aaral, disaster reduction technology, at hydroponics, bukod sa iba pa.