Naaresto ng mga awtoridad ang isang dating miyembro ng New People's Army (NPA) dahil umano sa pamamaslang sa anak ng alkalde ng Cagayan de Oro City at tauhan nito sa naturang lungsod kamakailan.
Sa report ngCagayan de Oro City Police Office (COCPO), nakilala ang suspek na siEdgardo Gaabucayan na dinampot sa Sitio Tapuk-Tapok, Purok 6, Barangay Cabasagan, Lala, Lanao del Norte nitong Sabado.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman kaugnay ng pagpatay umano nito kayRoland Sherwin Uy, 45, anak ni Cagayam de Oro Mayor Rolando Uy, at kay Samuel Pabalan, tauhan ng pamilya, sa Brgy. Pagatpat noong Nobyembre 11, 2021.
"Personal grudge was the main motive in this case and the employee Samuel “Tatay” Pabalan was merely a collateral victim. The arrested suspect is now temporarily detained at Maharlika Detention Facility pending proper disposition of the case," said Maj. Evan Viñas, pagdidiin ni Viñas.
Sa pahayag ng pulisya, si Gaabucayan ay dating kaanib ngSpecial Partisan Unit ng NPA na nag-o-operate sa Sindangan, Zamboanga Del Norte.
Si Gaabucayan ay nahaharap sa kasong murder (2 counts) saCagayan de Oro Regional Trial Court Branch 38.
PNA