Nabuo na bilang bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa karagatan ng hilagang Luzon nitong Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes.
Sa weather bulletin ng PAGASA, ang naturang bagyo ay pinangalanang "Ester."
Sa naunang abiso ng ahensya, ang sama ng panahon ay magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa loob ng 24 oras.
Huling namataan ang bagyo sa layong 880 kilometro silangan ng dulong northern Luzon.
Paiigtingin ng bagyo ang habagat o southwest monsoon na magdadala ng malakas na pag-ulan saCalabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Metro Manila, Bicol, Samar provinces, Zambales, Bataan, at Antique sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.
"Under these conditions, scattered flooding and rain-induced landslides are likely, especially in the areas that are highly or very highly susceptible to these hazards," dagdag pa ng ahensya.