Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang inihaing panukalang-batas ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. na House Bill 611, na nagdedeklarang emotional offense ang 'ghosting' o basta na lamang pag-iwan ng isang tao sa kaniyang karelasyon o nililigawan, nang walang matibay na paliwanag o dahilan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/house-bill-611-ni-rep-arnolfo-teves-jr-hindi-nagustuhan-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/07/26/house-bill-611-ni-rep-arnolfo-teves-jr-hindi-nagustuhan-ng-netizens/

Si Teves din ang may-akda ng isang panukalang batas na palitan ang pangalan ng “Ninoy Aquino International Airport” at gawing “Ferdinand E. Marcos International Airport."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/07/palit-pangalan-ng-naia-teves-gustong-ipa-realize-kung-gaano-kagaling-na-presidente-si-marcos-sr/">https://balita.net.ph/2022/07/07/palit-pangalan-ng-naia-teves-gustong-ipa-realize-kung-gaano-kagaling-na-presidente-si-marcos-sr/

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Umani ng samu't saring reaksiyon at komento ang mga naturang panukalang-batas, na ayon sa mga netizen ay hindi napapanahon, lalo't maraming mas kinahaharap na problema ang bansa.

Bagay na kinomentuhan naman ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, at naiugnay ito sa Kapuso star na si Bea Alonzo.

"Natatawa ako na magkakaroon ng anti-ghosting bill, Salve. Kaloka na ang magiging number 1 example nito si Bea Alonzo, hah hah hah," ani Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Hulyo 27.

"Sa tuwing pag-uusapan ang ghosting, siya papasok sa isipan mo. Sa tuwing meron mag-complain, parang si Bea ang maiisip mo. Teka, hindi ba unfair din lalabas kung ang sasabihin mong may kasalanan lang iyon nang ghosting? Hindi ba dapat din malaman bakit siya na ghosting?"

"Baka naman talagang gusto ng iwanan pero ayaw pa bumitiw, iniiwan na naghahabol pa. Hindi naman siguro isa lang ang may sala, it takes two to tango, so, pag na-ghosting ka, ibig sabihin may dahilan."

"Tanggapin mo na pag ayaw na sa iyo, huwag ng masyado pang ipilit pag ayaw na. Like sa kaso ni Bea Alonzo, twice iniwan, may something na, kaya dapat accept na. Parang humahabol pa kaya nagiging issue. Bye bye na pag no more love, huwag na ipilit"

Sa latest IG post ay muling binanatan ng showbiz columnist si Bea.

"Salve talagang behave na ako sa medical condition ko. Ayoko na uli bumalik sa hospital. Talagang kaloka ang feeling pag nasa hospital ka. Feeling ko lahat ng nurse si Bea Alonzo na ihuhulog ako sa wheelchair anytime hah hah ha."

"Ngayon ko naisip iyon face ni Bea Alonzo bagay maging nurse. Kaya pala napunta ako sa hospital, para mapaligiran ako ng tambak na beauty mala-Bea Alonzo."

"Kaya now ayaw ko na no, sawa na ako sa tambak na kamukha ni Bea. Please, house arrest na lang ako , hah hah hah."

Matatandaang kamakailan lamang ay naospital si Lolit, at aniya ay mukhang sinumpa siya ni Bea kaya siya nagkaganoon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/lolit-nagpapagaling-na-raw-mula-sa-sumpa-ni-bea-nagpasalamat-sa-support-group-ilang-celebrities/">https://balita.net.ph/2022/07/24/lolit-nagpapagaling-na-raw-mula-sa-sumpa-ni-bea-nagpasalamat-sa-support-group-ilang-celebrities/

Nag-ugat ang "galit" ng showbiz columnist kay Bea nang harangin at paalisin daw siya sa listahan ng mga media personality na dadalo sa press conference nito sa isang beauty product endorsement.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/05/manay-lolit-bakit-nga-ba-galit-kay-bea-alonzo-ogie-diaz-may-isiniwalat/">https://balita.net.ph/2022/04/05/manay-lolit-bakit-nga-ba-galit-kay-bea-alonzo-ogie-diaz-may-isiniwalat/

Hanggang ngayon ay tikom ang bibig ni Bea o maging ng kaniyang talent manager na si Shirley Kuan tungkol sa isyu.