Sinusuportahan ng Department of Education (DepEd) ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na isailalimsa military training ang mga senior high school.

"The Department of Education is in support of such measure to make ROTC (Reserve Officers' Training Corps) mandatory, basically because it adheres to one of our core values of being makabansa (nationalistic)," pahayag ni DepEd Spokesperson Michael Poa sa isinagawang pulong balitaan nitong Miyerkules.

Sa kabila, iginiit pa rin ni Vice President, DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na "kailangangmatalakay nila ito nang husto, kasama ang Kongreso at Commission on Higher Education (CDEd)."

Sa ngayon aniya, abala pa ang DepEd sa paghahanda sa pagbabalik ng full capacity ng face-to-face classes sa bansa.

National

Suspensyon ng mga klase at trabaho sa gov’t, nakasalalay sa local chief executives — PCO

Nauna nang inilabas ng Senado ang survey ng Pulse Asia na nagsasabing 69 porsyento ng 1,200 na natanong ang pabor na maibalik ang ROTC sa senior high school.

Matatandaang sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Marcos, binanggit na nais niyang maibalik at gawing mandatory ang ROTC sa Grade 11 at 12.