Napa-wow si Senador Win Gatchalian sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Lunes, Hulyo 25, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Sa kaniyang ambush interview, sinabi ni Gatchalian na puno umano ng detalye ang SONA ni PBBM.

"Wow ang dami niyang sinabi. Ito yung ilang SONA speeches na nakita ko na puno talaga ng detalye," anang senador.

"Importante ano para malaman natin kung saan tayo pupunta, ano yung problema na hinaharap natin. Importante rin sa aming mambabatas kung ano yung mga batas na kailangan para ma-operationalize natin yung mga plano ng bagong administrasyon," dagdag pa niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Samantala, sinabi ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na 10 sa 18 panukalang batas na binanggit ni PBBM sa kaniyang SONA ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representative.

“That said, 10 of the 18 bills were already approved on 3rd reading. The other three measures that were mentioned but not listed in the 18 were also approved on 3rd reading,” aniya sa isang Viber message nitong Lunes ng gabi.

“We can invoke the House rules which allow us to expedite committee proceedings for more than half of PBBM’s priority measures,” dagdag pa niya.

Narito ang 10 sa 18 panukalang batas na inaprubahan sa ikatlong pagbasa:

1. National Government Rightsizing Program (HB 419)

2. Tax Package 3: Valuation Reform Bill (HB 54)

3. Package 4 of Tax Reform

4. E-Government Act

5. Internet Transactions Act (HB 687)

6. Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act (HB 685)

7. Medical Reserve Corps

8. National Disease Prevention and Management (HB 46)

9. Virology Institute of the Philippines (HB 47)

10. Mandatory ROTC and national service training program (HB 639)