Hindi rin makapaniwala ang talent manager na si Ogie Diaz na itinuturing na bayani ng ilang netizens ang suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na si Dr. Chao-Tiao Yumol dahilan para mapaslang si dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay, ang long-time aide nitong si Victor Capistrano at guwardiya ng eskwelahan na si Jeneven Bandiala.
Dalawang sibilyan din ang naiulat na sugatan sa insidente na nangyari, Linggo ng hapon, Hulyo 24.
Sa Twitter account ng showbiz commentator, isang tweet ang mababasang ibinahagi ni Ogie noong Lunes, Hulyo 25.
“[Y]ung ginawang brave hero [y]ung mamatay tao. Tapos sinabing, ‘Stay strong, Doc! Baka ngayon mapansin na ng gobyerno ang ipinaglalaban mo.’”
“G*go kayo? Pag mga peaceful protest tinatawag niyong salot, tapos etong pumatay ng mga tao pinipinta niyong Bayani? Sira na ulo niyo,” mababasa sa tweet ng isang netizen.
Pag-reak ni Ogie dito, “ “Mga lukaret amp***!”
Sa naging ambush interview sa gunman matapos ang pamamaril, iginiit nitong matagal na aniya siyang nanghihingi ng tulong sa gobyerno dahil sa talamak na ilegal na droga sa Basilan dahilan para tatlong beses na raw pagtangkaan ng pamilya Furigay ang kaniyang buhay.
Depensa naman ng kampo ng naulilang pamilya ni Furigay, matagal na umanong hinahanting ng batas ang suspek dahil sa nasa walong warrant of arrest ang nailabas ng hukuman laban sa huli sa kasong cyberlibel at indirect contempt.
“Itong akusado, itong gunman na ito ay a fugitive or in hiding since January 2021. Nag-jump po ito ng bail.Kami po ay nagtataka bakit hindi ito nahuli. Meron po siyang 8 warrants of arrest — 7 sa cyberlibel cases, 1 case dun sa indirect contempt,” paglalahad ni Atty. Quirino Esguerra, tagapagsalita ng pamilya ni Furigay.
Basahin: Suspek sa pamamaril sa Ateneo, mayroong 8 warrant of arrest? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Isinampa ang ilang cyberlibel laban kay Yumol matapos umano nitong isangkot sa bentahan ng iligal na droga ang pamilya ni Furigay.
Nag-ugat umano ang usapin nang ipasara ng Lamitan government ang clinic ni Yumol na nag-o-operate kahit walang permit.
Samantala, nitong Martes, Hulyo 26, kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na agad silang naghain ng tatlong counts of murder at dalawang counts of frustrated murder laban sa suspek, gabi ng Martes, Hulyo 24.