Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na siya mismo ang nagha-handle at nagpo-post sa kaniyang social media accounts dahil wala naman daw silang social media team.

Ani Sotto, mahirap na ngayon sa social media dahil hindi na alam kung ano 'yung totoo o hindi. Isa rin kasi siya sa mga biktima ng mga fakenews dahil sa mga nagba-viral na umano'y pekeng quote card niya. 

"'Yun ang mahirap sa social media eh, hindi mo alam kung ano 'yung totoo o hindi. Actually, minsan 'yung ibang nagba-viral hindi ko naman talaga sinabi kapag may nakikita kami sinusubukan naming i-report kasi wala naman talaga akong social media team," ani Sotto sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na umere nitong Sabado, Hulyo 23.

"Twitter ko, Facebook ko, Instagram ko ako ang nagha-handle nun. Meron lang may access para kunwari ma-lockout ako, nagka-problema; pero hindi sila nagpo-post for me, ni hindi sila nagche-check for me, ako lang puwedeng gumawa nun," dagdag pa niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Para sa akin 'yung authenticity-- nothing beats authenticity. 'Yung nakikita mo, kung ano 'yung nandun, 'yun talaga ako. So walang pagpapanggap 'yun, walang pagkukunwari, walang imaging-imaging 'yan basta ako 'yan. Kung gusto n'yo, gusto n'yo. Kung ayaw n'yo sorry. Ako talaga 'yan."

Katunayan, madalas nagba-viral ang mga post ng alkalde dahil na rin sa mga kuwelang caption nito.

Samantala, pagdating naman sa kaniyang ina na si Coney Reyes, hindi hinahayaan ng alkalde na ma-stress pa ang ina dahil sa mga umuusbong na isyu.

"Ayaw ko na rin nai-stress siya sa mga bagay na hindi naman niya dapat pinoproblema. Hindi naman siya 'yung government official ako naman 'yun eh so kung may problema whether may pagkakamali ako, ayaw ko nang isipin niya," saad ni Sotto.