Natsika ng naospital na 75 anyos na showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na isa raw sa mga nagpagaan ng kaniyang kalooban habang nakaratay siya, ay ang anak nina Bosing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Tali.

Ayon sa kaniyang Instagram post ni Lolit nitong Sabado, Hulyo 23, tinawagan at kinumusta raw ni Baby Tali ang kaniyang kalagayan at ang nakaaaliw, tinanong siya nito kung ano raw ang kailangan niya nang mga oras na iyon, upang mas mapabilis ang kaniyang paggaling.

"Tawa ako Salve ng tumawag si Tali, anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna sa phone. Nasa dialysis room ako at medyo low ang energy pero napasaya ako ng call ni Talitha. Lalo na ng itanong niya kung ‘you need kiss, you want money?’ hah hah hah," salaysay ni Lolit, na itinakbo sa ospital noong Hulyo 17 ng madaling-araw dahil nahirapang magsalita at makahinga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/lolit-nagpapagaling-na-raw-mula-sa-sumpa-ni-bea-nagpasalamat-sa-support-group-ilang-celebrities/">https://balita.net.ph/2022/07/24/lolit-nagpapagaling-na-raw-mula-sa-sumpa-ni-bea-nagpasalamat-sa-support-group-ilang-celebrities/

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"Parang alam niya na harbatera ang Lola Lolit niya kaya nagtanong siya ng ganoon. Saka touch naman ako dahil kay Vic Sotto na nagparamdam din ng concern. Parang anak ko talaga sila Pauleen dahil sa tiwala na binigay ni Mommy Chat noon busy pa si Pauleen sa showbiz."

"Kaya siguro parang isang tunay na ina na very happy ako makita na maligaya at tahimik ang buhay ni Pauleen sa piling ni Vic Sotto. Iyon inner happiness, iyon peaceful nilang buhay, patunay talaga na basta ang anak sumusunod sa magulang mapapabuti ang buhay mo. Si Pauleen Luna Sotto ang patunay nito. Bongga."