Dadalo si Chief Justice Alexander Gesmundo kasama ang iba pang Supreme Court (SC) justices sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay Gesmundo, nakatanggap ang korte suprema ng imbitasyon na dumalo sa SONA na magaganap sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Gayunman, sasailalim sa RT-PCR test ngayong Hulyo 23 at antigen test naman sa mismong araw ng SONA dahil isa ito sa mga requirements para sa mga dadalo.
Samantala, nauna nang sinabi ng Kamara na titiyakin nilang mahigpit na maipapatupad ang health protocols sa darating na SONA sa pamamagitan ng kanilang Medical and Dental Service (MDS) upang matiyak ang kaligtasan ng mga inaasahang panauhin.
Sinabi ni MDS Director Dr. Jose Luis Bautista na kumpiyansa siya na ang SONA ay magiging ligtas mula sa Covid-19 virus basta’t makikipagtulungan at makikiisa ang lahat upang masiguro ang minimum health protocols at iba pang safety requirements.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/19/kamara-ipatutupad-ang-mahigpit-na-health-protocols-sa-unang-sona-ni-pbbm/